Pinasilip ng Disney ang unang full-length trailer ng live-action Snow White na pinagbibidahan nina Rachel Zegler at Gal Gadot.
Sa trailer, binalikan ni Snow White (Zegler) ang masayang pamumuno ng kanyang yumaong ama bago ito sinira ng Evil Queen (Gadot). Ipinakita rin ang kakaibang twist, gaya ng sagot ng Queen: “You know, I really don’t remember you being this opinionated.”
Syempre, nandyan pa rin ang iconic moments—ang magic mirror, ang pagtakas ni Snow White sa gubat, at ang pagpunta niya sa cottage ng pitong dwarves.
Mas palaban si Snow White ngayon, na may bagong awitin at plano para bawiin ang kaharian mula sa reyna. Pero sa dulo ng trailer, bumalik ang nakakatakot na eksena ng lason at mansanas.
Ang Snow White live-action ay modernong pagbibigay-buhay sa kauna-unahang Disney classic na nagpasimula ng animated films!