Site icon PULSE PH

Bagong Nuclear Arms Race, Paparating na Raw Ayon sa mga Eksperto!

Nagbabala ang mga eksperto: tila pabalik na ang mundo sa isang bagong “nuclear arms race” habang patuloy ang modernisasyon ng mga bansa sa kanilang sandatang nuklear.

Ayon sa ulat ng Stockholm International Peace Research Institute (SIPRI), karamihan sa mga nuclear power gaya ng U.S. at Russia (na may hawak ng 90% ng stockpile sa buong mundo) ay nag-upgrade ng kanilang mga armas at nagdagdag ng mas makabagong bersyon nitong nakaraang taon.

Bagama’t bumaba ang bilang ng nuclear warheads mula noong Cold War, babala ng SIPRI na magsisimula na muli ang pagdami ng mga aktibong warheads, lalo na sa China na nakadagdag ng 100 warheads noong 2023–2024 at posibleng umabot sa 1,000 warheads sa loob ng 7–8 taon.

Sa datos ng Enero 2025, may kabuuang 12,241 nuclear warheads sa buong mundo — at 9,614 dito ay posibleng gamitin anumang oras.

Bukod sa U.S., Russia, at China, patuloy ring nagpapalakas ng arsenal ang India, Pakistan, North Korea, at Israel.

  • India: may tinatayang 180 warheads, patuloy ang pag-develop ng bagong delivery systems.
  • Pakistan: nasa 170 warheads, steady pero aktibo sa research.
  • North Korea: may 50 warheads at posibleng umabot pa sa 90.
  • Israel: tinatayang may 90 warheads at isinasailalim na rin sa modernisasyon.

Nag-aalala ang mga eksperto na hindi lang ito simpleng arms race sa dami ng sandata. Ayon sa SIPRI, magiging labanan din ito sa teknolohiya — mula outer space hanggang cyberspace, at posibleng gamitin ang AI sa operasyon ng mga armas nuklear.

Babala ng SIPRI director na si Dan Smith:

“Kung ang kinabukasan natin ay ipapaubaya sa AI para magdesisyon tungkol sa nuclear war, baka mas mapalapit tayo sa doomsday.”

Sa madaling sabi:

Mas makabago, mas mapanganib. At kung hindi maagapan, baka mas mabilis pa ito kaysa Cold War.

Exit mobile version