Opisyal nang nagsimula ang filming ng bagong Harry Potter TV series na inaasahang ilalabas sa 2027 sa HBO Max. Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood sa TV ang kwento ng “Boy Who Lived” — at may bagong cast!
Kinukunan ito sa Warner Bros. Studios sa Leavesden, Britain. Ayon sa studio, planong gawin itong decade-long series — isang buong bagong paglalakbay sa mundo ng mahika.
Gaganap bilang Harry Potter si Dominic McLaughlin, si Arabella Stanton naman bilang Hermione Granger, at si Alastair Stout bilang Ron Weasley. May mga kilalang artista ring kasama tulad ni John Lithgow bilang Dumbledore, Paapa Essiedu bilang Snape, at Nick Frost bilang Hagrid.
Isa sa mga executive producer si J.K. Rowling, ang orihinal na may-akda ng libro, kahit pa patuloy siyang nahaharap sa kontrobersiya dahil sa kanyang mga pananaw ukol sa gender identity.
Balik-Hogwarts na sa 2027! Abangan ang panibagong spellbinding adventure!