Pinatunayan muli ni Alex Eala ang kanyang tibay matapos makuha ang dalawang panalo sa iisang araw upang makapasok sa semifinals ng Guadalajara 125 Open sa Mexico.
Matapos maantala ang laban dahil sa ulan, itinuloy ni Eala ang second-round match kontra American veteran Varvara Lepchenko at nagwagi sa score na 6(3)-7(7), 7(7)-6(3), 6-3. Ang tagumpay ang nagdala sa kanya sa quarterfinals laban kay Italy’s Nicole Fossa Huergo.
Hindi nagpatinag ang 20-anyos na Filipina nang harapin si Huergo, na umarangkada agad sa 4-1 lead. Ngunit bumawi si Eala, nanalo sa limang sunod na laro at kinuha ang unang set, 7-6(2). Sa ikalawang set, tinapos niya ang laban sa 6-2 para tuluyang makuha ang semis slot.
Sa semifinals, haharapin ni Eala ang American na si Kayla Day, na tinalo si Emiliana Arango ng Colombia. Ang kanilang sagupaan ay nakatakdang ganapin nang hindi mas maaga sa 2:10 a.m. (Manila time) sa Sabado.
Si Eala, kasalukuyang World No. 75, ay patuloy na nagpapakita ng matatag na performance sa $125,000 tournament, dala ang bandera ng Pilipinas sa international tennis scene.