Azkals balik-aksiyon ngayon sa Asia 7’s Championship sa EV Arena, Elmina, Shah Alam! Pinangungunahan ng dating kapitan na si Stephan Schrock, haharap ang bagong Azkals sa Group B kasama ang India, Malaysia, at Hong Kong. Nakatakda silang magsimula laban sa Hong Kong ngayong 6 p.m., kasunod ng Malaysia sa 10 p.m.
Bukas, haharap sila sa India bago sumabak sa knockout quarterfinals. Kung papalarin, tuloy-tuloy ang laban hanggang semifinals at finals sa weekend. Determinado si Schrock at ang Azkals na ipagpatuloy ang legacy ng koponan sa bagong yugto ng kanilang football journey!