Patuloy na nakakatakas sa awtoridad ang negosyanteng si Charlie Atong Ang sa kabila ng 10 isinagawang raid sa mga pinaghihinalaang pinagtataguan nito, ayon kay Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla na negatibo ang lahat ng operasyon ng mga tracker team ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation. Itinaas na rin sa P20 milyon ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto ni Ang.
Hinahanap si Ang matapos maglabas ng warrant of arrest ang mga korte sa Batangas at Laguna kaugnay ng umano’y pagkidnap at pagpatay sa mahigit 100 sabungero.
May mga ulat na posibleng tumakas siya patungong Cambodia o Thailand, ngunit itinanggi ng pamahalaan ng Cambodia na naroon ang negosyante. Sa kabila nito, naniniwala si Remulla na nasa loob pa rin ng bansa si Ang at magtatagumpay din ang awtoridad sa paghuli sa kanya.
