Suot ang kanyang giant golden wings at bejeweled bikini mula sa designer na si Vee Tan, nag-ala Victoria’s Secret Angel si Ashley Ortega sa “Shake, Rattle and Ball” Halloween party sa Makati. “Sa ‘Pulang Araw,’ so far, so good! Patuloy pa rin ang taping at sobrang thankful ako sa mga viewers dahil positibo ang feedback nila,” ani Ashley.
Nang tanungin tungkol sa pagganap bilang madre na naging comfort woman, sinabi ni Ashley, “Sensitive na role siya, pero mahalaga ring maibahagi ang kwento nila para malaman ng tao ang nangyari noong World War II. Sana nabigyan ko ng hustisya ang role ko.”
Para sa mga maseselang eksena, lalo na ang tungkol sa mga comfort women noong pananakop ng Hapon, pinaghahandaan niya ito nang emosyonal mula sa pagbasa pa lang ng script. “Nag-research talaga ako at nag-interview ng mga totoong comfort women,” kwento niya.
“Alam ko nang mabigat ang eksena, kaya mula sa script pa lang, in-absorb ko na. Para sa set, handa na ako mentally, emotionally, at physically. Ayokong umatras pagdating sa set… At kinaya ko naman!”
Handa rin si Ashley sa mas daring na roles. “Kung sexy roles, bakit hindi? Ibang level ng sexy!”