Inaasahang babalik sa eksena ang BTS sa Marso 2026 matapos makumpleto ng lahat ng members ang kanilang military service, ayon sa ulat.
Si Suga na lang ang hindi pa discharged, pero lalaya na rin sa June 21. Kinumpirma ng opisyal mula sa HYBE na nakatakda na ang full group comeback sa unang bahagi ng 2026.
Ayon sa ilang sources, ang pagbabalik ng BTS ay posibleng sabay o sunod sa kapwa Hybe group na TXT. Pati ang Enhypen, na dapat ay March din ang comeback, ay umatras sa January para magbigay-daan sa BTS.
