Matapos ang ilang linggong medical furlough, inilipat na si Apollo Quiboloy, ang kontrobersyal na evangelist, mula sa Philippine Heart Center patungong Pasig City Jail. Isang video na ibinahagi ng PNP ang nagpapakita kay Quiboloy sa wheelchair habang dinadala siya ng mga pulis palabas ng ospital.
Ang kanyang paglilipat ay alinsunod sa kautusan ng Pasig City RTC at hindi umano bibigyan ng espesyal na trato sa bagong kulungan. Kasama ni Quiboloy ang kanyang abogado nang siya ay i-turnover sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Naharap si Quiboloy sa mga kasong human trafficking at child abuse sa Pasig at Quezon City.
Apollo Quiboloy, Dadalhin sa Pasig City Jail!
