Site icon PULSE PH

Anniversary, Fan Meet, at Songwriting Fest Pasabog ng BINI Ngayong Hunyo!

Punong-puno ng ganap ang buwan ng Hunyo para sa P-pop girl group na BINI! Habang abala sila ngayon sa “Grand BINIverse” world tour sa U.S. at Canada, may inihahandang surpresa ang walong miyembrong grupo para sa kanilang mga tagahanga sa Pilipinas.

Ngayong ika-apat na anibersaryo ng BINI, naghahanap sila ng mga talentadong songwriter na pwedeng makipag-collab sa kanila! Bukas ito sa mga Blooms (tawag sa fans) na may hilig sa pagsulat ng kanta — para ito sa “BINIverse and Chorus,” isang songwriting festival na may temang “BINI Music for Blooms, by Blooms.”

Markahan na ang June 11 para sa “Happy Blooms Day: BINI 4th Anniversary” sa Ayala Trinoma Mall, Quezon City. Expect fun activities, fan interactions, at isang talent competition na siguradong kaabang-abang.

Bago ‘yan, may maagang regalo ang BINI: ang bagong tour single na “Shagidi” na ilalabas sa June 5!

May bago ring merch line at photobook na tinatawag na “Journey through the Biniverse” — isang eight-chapter na pasilip sa kwento ng grupo.

At siyempre, ang pinakahihintay ng lahat: ang BINI Homecoming Fan Meet sa June 29 sa Mall of Asia Arena! Libre ito at bukas para sa lahat ng fans — isang grandeng pagtitipon ng BINI at ng kanilang solid na supporters sa buong mundo.

Exit mobile version