Site icon PULSE PH

Angels, Gigil Nang Tapusin sa Dalawang Game Lang!

“Walang Bukas!” – Ganyan katindi ang mindset nina Jonah Sabete at ng Petro Gazz Angels habang target nilang tapusin ang serye kontra Creamline Cool Smashers sa Game 2 ng PVL All-Filipino Finals ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

“Lalaruin namin na parang huling laro na,” ayon kay Sabete, na tumipa ng 16 points sa kanilang 5-set na panalo noong Game 1.

Alam ng Angels na hindi basta susuko ang Creamline—may 10 championships at kilala sa comeback magic. Sa huling finals nila, natalo ang Petro Gazz matapos maagaw ng Cool Smashers ang huling dalawang laro.

Pero this time, ayaw na nila maulit.

“Hindi na dapat umabot pa ng Game 3,” dagdag ni Sabete.

Pareho rin ang tono ni MJ Phillips na may 16 points sa Game 1. “Focus lang. Championship ang mission.”

At si Brooke Van Sickle? Buhat mode ulit matapos ang 24-point explosion niya. Alam niyang all-out ang Creamline para ma-force ang decider.

Exit mobile version