Sa ikalawang bahagi ng exposé na ito, ilalantad natin ang koneksyon ng mga incorporators o nagtatag ng iba’t ibang negosyo na may ugnayan sa malalaking kontrobersya sa bansa. Ang mga negosyo ay inuugnay sa POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators), Pharmally, ilegal na recruitment, human trafficking, scams, ilegal na droga, at posibleng kaugnay pa ng mga kaso ng pagpatay.
“Ipapakita o iri-reveal namin kung ano ang connections ng mga incorporators/POGO Incorporators sa mga businesses”.
REP ROBERT ACE BARBERS QUAD COMMITTEE, 9TH CONGRESS HOUSE OF REPRESENTATIVES OF THE PHILIPPINES DECEMBER 18, 2024
Ang pinaka-kapansin-pansing personalidad sa network ng mga kumpanya na itinayo ni Allan Lim ay walang iba kundi ang kanyang asawa, si Rose Nono Lin. Sa pagsisiyasat, natuklasan namin na si Rose Nono Lin ang isa sa mga pangunahing koneksyon ni Michael Yang kay Allan Lim.
Ayon kay Rep. Suarez, si Rose Nono Lin ay incorporator o kasamang tagapagtatag ng hindi bababa sa walong kumpanya kung saan sangkot din si Michael Yang.
Ang mga kumpanyang ito ay bahagi ng isang malawak na network na nag-uugnay sa iba’t ibang kontrobersyal na aktibidad at mga indibidwal. Ang pagkakaugnay na ito ay nagdudulot ng mas malalim na katanungan tungkol sa posibleng papel ni Rose Nono Lin sa mga isyu ng negosyo at politika.
“A criminal enterprise has penetrated us and has been operating with “quite impunity”.
REP DAVID SUAREZ HOUSE DEPUTY SPEAKER & QUEZON REPRESENTATIVE SEPTEMBER 28, 2024 QUAD COMMITTEE HEARING
1. Si Rose Nono Lin ay asawa ni Weixiong Lin o mas kilala sa mga pangalang Allan Lim, Jeffrey Lin at Wen Li Chen.
Si Weixiong Lin o Allan Lim, Jeffrey Lin at Wen Li Chen ay ang kilalang partner ni Michael Yang aka Hong Ming Yang
2. Si Rose Nono Lin ang Corporate Treasurer ng Pharmally Biological. Ang kanyang asawa, si Weixong Lin o Allan Lim, ay ang Financial Manager ng Pharmally Pharmaceutical. Si Gerald Cruz naman ay isang Incorporator ng Pharmally Biological.
Facts:
Ang Pharmally Pharmaceutical Corp ay inakusahan ng pagbebenta ng sobrang mahal na medical supplies na nagkakahalaga ng P8.85 bilyon sa gobyerno ng Pilipinas noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, kahit na mayroon lamang itong maliit na paid-up capital na P625,000.
Noong Disyembre 2024, iniulat ng Organized Crime and Corruption Reporting Project (OCCRP) na si Michael Yang at Weixong Lin ay nag-invest ng $20 milyon o humigit-kumulang P1.16 bilyon sa mga ari-arian at real estate sa Dubai.
Noong Mayo 3, 2023, nagsampa ang Office of the Ombudsman ng mga kasong graft laban sa mga opisyal na sangkot sa mga kwestyonableng transaksyon ng Pharmally Pharmaceutical Corp, kabilang si Weixong Lin, asawa ni Rose Nono Lin.
3. Si Rose Nono Lin ay ang director at may-ari ng 25% ng Xionwei Technology Company, na tinaguriang “Ina ng Lahat ng POGOs.”
Si Alice Guo, isang licensee ng Xionwei Technology Company, ay kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng human trafficking at 62 kaso ng money laundering.
4. Si Rose Nono Lin ay director at may-ari ng 25% ng Pai Li Holdings/Pai Li Estate Group. Ang kanyang asawa, si Weixong Lin, ay director din at may-ari ng 20% ng Pai Li Holdings. Si Michael Yang na kilala rin bilang Hong Ming Yang, ay director at may-ari ng 9.81% ng Pai Li Holdings. Si Jayson Uson, na isa sa mga executives ng Pharmally Pharmaceutical, ay director at may-ari ng 29% ng Pai Li Holdings.
Samantala, si Jeffrey David Manuel ay isa sa mga incorporator ng Pai Li Estate Group.
FACTS:
Ang Pai Li Holdings ang nagtayo ng “Clark Majestic World.”
Ang mga dinukot na dayuhan ng mga Chinese nationals ay nasagip mula sa “Clark Majestic World.”
Ang pasilidad ng “Clark Majestic World” ay halos kapareho ng kay Alice Guo’s Baofu Compound at Lucky South 99.
Nakalista ang email na fullwingroup88@gmail.com bilang alternatibong email ng Pai Li Estate sa kanilang SEC registration.
Ang Full Win Group of Companies ay ang sangay sa Pilipinas ng kumpanya ni Michael Yang sa Xiamen na tinatawag na Fu Desheng Group.
SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION GENERAL INFORMATION SHEET PAI LI HOLDINGS INC
Ayon sa SEC General Information Sheet, si Rose Nono Lin ay nakalista bilang Direktor at may-ari ng 25% ng Pai Li Holdings Inc.
Ayon sa SEC General Information Sheet, si Weixong Lin, asawa ni Rose Nono Lin, ay nakalista bilang Direktor at may-ari ng 20% ng Pai Li Estate Group Inc., habang si Michael Yang, kilala rin bilang Hong Min Yang, ay Direktor at may-ari ng 9.81% ng Pai Li Estate Group Inc.
5. Si Rose Nono Lin ang treasurer ng Full Win Group of Companies.
Ang Full Win Group of Companies ay ang Philippine Branch ng Fu Desheng Group na kumpanya ni Michael Yang sa Xiamen.
Si Hongjiang Yang, kapatid ni Michael Yang, ay isang Director ng Full Win Group of Companies.
Si Jayson Uson ay isang Incorporator ng Full Win Group of Companies.
Si Gerald Cruz ay isang Incorporator ng Full Win Group of Companies.
6. Si Rose Nono Lin ay ang Pangulo ng Golden Sun 999 Realty and Development Corporation at may-ari ng 30% ng kumpanya. Si Jayson Uson ay ang Kalihim/Treasurer at may-ari ng 20% ng Golden Sun 999 Realty and Development Corporation. Si Aedy Yang ay ang Pangalawang Pangulo at may-ari ng 20% ng Golden Sun 999 Realty and Development Corporation.
Si Aedy Yang ay isa ring Incorporator at Opisyal ng Empire 999. Ang Empire 999 ay ang warehouse sa Mexico, Pampanga kung saan narekober ang P3.6 Bilyon na halaga ng shabu.
7. Ang Brickhartz Technology Inc. ay isang service provider para sa Xionwei Technology Company. Si Rose Nono Lin ay isang Direktor at may 25% na pagmamay-ari ng Xionwei Technology Company, na tinaguriang “Ina ng Lahat ng POGOs”. Si Gerald Cruz ang Pangulo ng Brickhartz Technology Inc., habang si Jeffrey David Manuel naman ang Corporate Secretary ng nasabing kumpanya.
Noong Disyembre 2022, isang babae ang kinidnap sa Pasay at ibinenta sa isang Chinese-looking buyer na dinala siya sa isang POGO dorm sa Shuangma Industrial Park sa Molino Boulevard, Bacoor, Cavite. Isang ibang biktima ng kidnapping, si Mr. Pan mula sa Yongping, China, ay nasagip din mula sa Shuangma Industrial Park.
Ayon sa PAGCOR, ang Shuangma Industrial Park ay isang korporasyon na pinapatakbo ng Brickhartz Technology Inc., na isang service provider sa Xionwei Technology Company.
Ang pangunahing opisina ng Brickhartz Technology Inc. ay matatagpuan din sa Molino Boulevard, Bacoor, Cavite. At ginagamit din ng Brickhartz Technology Inc. ang parehong email address tulad ng sa Xionwei Technology Company.
Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan, pekeng balita, at maling impormasyon na malinaw na ipinakita sa mga EXPOSE na ito, si ROSE NONO LIN ay nasa gitna ng mga krimen sa POGO, kabilang na ang kidnapping, prostitusyon, money laundering, scams, illegally na pagsusugal, at kahit pagpatay. Kasama siya sa PHARMALLY SCAM na nagnakaw ng pera ng mga tao sa pamamagitan ng overpriced medical supplies habang ang buong bansa ay nagdurusa dahil sa mga kamatayan, gutom, at kalupitan dulot ng COVID-19, at pati na rin sa ILLEGAL DRUG TRADE, kung saan ang kanyang asawa na si WEIXONG LIN ay paulit-ulit na iniuugnay.
“Isa lang ang malinaw na ang POGO ay isang halimaw na gumagawa ng human trafficking, money laundering, torture at espionage, kasama na rin dito ang large scale scamming, corruption, kidnapping, at prostitusyon.”
SENATOR RISA HONTIVEROS CHAIRMAN OF THE SENATE COMMITTEE ON WOMEN, CHILDREN, FAMILY RELATIONS AND GENDER EQUITY
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y ugnayan ni Rep. Martin Romualdez at ng flood control contractors na sina Curlee at Sarah Discaya, kaugnay ng ulat na may mahal na bahay at lupa sa Makati na sinasabing binili gamit ang mga Discaya bilang “front.”
Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, layon ng pagdinig na alamin kung may direktang koneksyon si Romualdez sa mga Discaya, na dati nang umamin na may mga humihingi umano ng komisyon gamit ang pangalan ng dating House Speaker. Mariing itinanggi ni Romualdez ang paratang at sinabi ng kanyang kampo na wala siyang kaalaman o kinalaman sa naturang transaksyon at hindi pa niya nakikilala ang mga Discaya.
Samantala, umigting ang tensyon sa Senado matapos punahin ni Sen. Imee Marcos ang umano’y pag-iwas na idiin si Romualdez, na sinagot naman ni Lacson na ihain ang ebidensya kung mayroon.
Bubuksan muli ang pagdinig sa Enero 19, kabilang ang pagsisiyasat sa “Cabral files” kaugnay ng mga budget insertion. Ang 2025 national budget sa ilalim ni Romualdez ay patuloy na binabalot ng mga alegasyon ng ghost flood control projects at questionable allocations, na patuloy niyang itinatanggi.
Isang walong taong gulang na lalaki ang nasawi matapos umanong saksakin ng kanyang kapitbahay sa Barangay Santiago II, San Pablo, Laguna, ayon sa pulisya.
Base sa ulat, nagtamo ang bata ng mga sugat sa tainga, leeg, at tiyan, habang naputol din ang isa niyang kamay na pinaniniwalaang ginamit niya upang ipagtanggol ang sarili.
Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang isang kapitbahay bilang person of interest sa insidente. Tinitingnan din ng mga awtoridad ang anggulong maaaring may kinalaman ang krimen sa isang isyu ng pambu-bully na kinasangkutan umano ng biktima at anak ng suspek.
Nanawagan ang pamilya ng bata ng hustisya at hinikayat ang sinumang may impormasyon o nakasaksi sa pangyayari na makipag-ugnayan sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Mariing itinanggi ng Bureau of Customs (BOC) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang paratang na sapilitang kinuha ang 34 luxury vehicles na iniuugnay kay dating kongresista Elizaldy “Zaldy” Co.
Ayon kay ICI special adviser Rodolfo Azurin, hindi umano kinuha ng mga awtoridad ang mga susi ng mga sasakyan, taliwas sa pahayag ng abogado ni Co na si Ruy Rondain. Giit pa niya, walang saysay ang alegasyong may isang taong may hawak ng 34 susi.
Ipinaliwanag ng BOC na walo sa siyam na luxury vehicles na nakarehistro kay Co, sa kanyang asawa at sa Sunwest Inc. ang nasamsam sa isang condominium sa BGC, Taguig noong Enero 8 dahil sa umano’y paglabag sa importation at hindi nabayarang buwis.
Gayunman, sinabi ng ICI na may impormasyon silang tumuturo sa 15 sasakyan pa lamang, kaya’t nagtaka sila sa sinasabing 34 units. Dahil dito, sinabi ni Azurin na susuriin ng ICI ang posibilidad ng karagdagang sasakyan na hindi saklaw ng kasalukuyang search warrant.
Ayon naman sa BOC, naka-body cam ang buong operasyon at may kopya ng search warrant ang mga abogado ng may-ari ng sasakyan. Patunay umano ito na maayos at legal ang isinagawang pagsamsam.
Si Co ay kabilang sa mga pangunahing personalidad na iniimbestigahan sa anomalous flood control projects at kinasuhan ng graft ng Sandiganbayan noong Disyembre 2025.