Nanganak na si Alodia Gosiengfiao ng kanilang unang baby ni Christopher Quimbo! Sa Instagram, nag-post ang mag-asawa ng video kung saan si Alodia, mula sa pagiging buntis, ay biglang may hawak nang baby.
“New Character Unlocked,” ang sabi nila sa caption.
Bumuhos ang pagbati mula kina Anne Curtis, Denise Laurel, at Dani Barretto. Matatandaang inanunsyo ng mag-asawa ang pagbubuntis noong Hunyo, matapos silang ikasal noong Valentine’s Day ng nakaraang taon.
