Walang paalam para sa Houston Rockets! Matapos ang mainit na 4th quarter, tinalo nila ang Golden State Warriors, 115-107, at pinilit ang Game 7 sa kanilang Western Conference series.
Fred VanVleet umarangkada ng 29 puntos, habang si Alperen Sengun ay may 21 puntos at 14 rebounds. Si Steven Adams, off the bench lang pero todo-bigay: 17 puntos, perpekto sa shooting at depensa.
Na-silent ang home crowd ng Warriors habang pinangunahan ng Rockets ang 12-0 run sa huling yugto—lumobo pa ang lamang ng Houston sa 17 puntos!
Stephen Curry may 29 puntos pero hirap sa shooting at may 5 turnovers. Tanging si Jimmy Butler lang ang tumulong na may 27 puntos, pero wala nang sumunod.
Game 7 na ito—Houston vs. Golden State ulit sa Linggo. Abangan kung sino ang susunod na makakaharap ng Minnesota Timberwolves!
