Site icon PULSE PH

Alfred Vargas, Best Actor ang Panalo sa Japan!

Muling wagi si Alfred Vargas bilang Best Actor para sa pelikulang Pieta sa Japan Film Fest, ang kanyang ikatlong Best Actor award para sa parehong pelikula! Nauna na siyang kinilala sa 72nd FAMAS Awards at 3rd WuWei Taipei International Film Festival.

“Grabe ang karangalang ito! Ibang klaseng saya na narepresenta natin ang Pilipinas at ang talent ng mga Pilipino sa world stage,” ani Alfred.

Kasama sa Pieta ang National Artist na si Nora Aunor at multi-awarded actress Gina Alajar, sa direksyon ni Adolf Alix Jr. Pinuri ni Alfred ang kanilang ambag sa tagumpay ng pelikula: “Kung wala sila, wala rin ako dito ngayon.”

Sa awarding ceremony sa Osaka, Japan, nagbigay ng emosyonal na tribute si Alfred sa anak niyang si Cristiano, na iniakyat pa niya sa stage. “Anak, para sa’yo ang award na ito. Mangarap ka nang malaki, at laging tumulong sa iba.”

Bukod sa Best Actor, nanalo rin ang Pieta ng Best Screenplay para kay Jerry Gracio. Isa na namang tagumpay para sa talento at husay ng Pilipino sa international stage!

Exit mobile version