Tumaas ng isang puwesto si Alex Eala sa kanyang career-best WTA ranking, mula No. 54 patungong No. 53, kahit na maagang natapos ang kanyang laban sa Japan Open noong nakaraang linggo.
Handa na si Eala para sa panibagong hamon sa WTA250 Guangzhou Open na magsisimula ngayong araw. Sa doubles event, makakatambal niya ang WTA No. 58 na si Nadiia Kichenok mula Ukraine.
Maghaharap ang kanilang koponan laban sa ika-apat na seed na sina Emily Appleton ng Great Britain (No. 80) at Qianhui Tang ng China (No. 69) sa ganap na alas-10 ng umaga.
