Site icon PULSE PH

Alex Eala Umabante sa Quarterfinals ng Eastbourne Open!

Pasok na sa quarterfinals ng Lexus Eastbourne Open si tennis pride ng Pilipinas na si Alex Eala matapos ang intense pero bitin na laban kontra Jelena Ostapenko, Miyerkules ng gabi (oras sa Maynila).

Natalo si Eala sa unang set, 0-6, pero bumawi sa second set, 6-2. Sa third set, lamang na si Eala sa 3-2 nang biglang mag-retire si Ostapenko dahil sa injury, kaya natapos ang laban sa loob ng 1 oras at 37 minuto.

Si Ostapenko, na World No. 20 at dating Grand Slam champ, ay tinalo na rin ni Eala noong Miami Open — kaya 2-0 na ang head-to-head nila.

Si Eala, na graduate ng Rafa Nadal Academy at kasalukuyang World No. 74, ay hihintay na ngayon sa susunod na makakalaban: si Dayana Yastremska o si hometown favorite Francesca Jones.

Exit mobile version