PULSE PH

Alex Eala, Tinalo ang World No. 8; Pasok sa Dubai Round of 16!

Gumawa ng malaking upset si Alex Eala matapos patumbahin ang World No. 8 na si Jasmine Paolini, 6-1, 7-6(5), para umabante sa Round of 16 ng Dubai Tennis Championships noong Miyerkules (Manila time).

Sa harap ng masiglang Filipino crowd sa Center Court, pinakita ni Eala ang tibay ng loob lalo na sa dikdikan na second-set tiebreak. Matapos mawala ang 5-3 abante at mapasakamay ni Paolini ang 6-5 lead, nakabawi ang Pinay upang maitulak ang laban sa tiebreak at tuluyang maselyuhan ang panalo.

Ayon kay Eala, mataas ang tensyon sa ikalawang set kaya emosyonal ang tagumpay. Aniya, malaking bagay ang makasabay at matalo ang isang top-10 player at dating kampeon ng torneo.

Nasa ika-47 puwesto ngayon sa world rankings, dominado ni Eala ang unang set sa pamamagitan ng limang sunod na games. Hangad niyang maipagpatuloy ang magandang kampanya sa Middle East matapos umabot sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open kamakailan.

Sa panalong ito, muling pinatunayan ni Eala na kaya niyang makipagsabayan sa pinakamahuhusay sa mundo.

Exit mobile version