Matinding laban agad ang haharapin ni Alex Eala sa Italian Open — world No. 27 Marta Kostyuk ang kalaban sa Round 1 ngayong araw sa Rome.
Simula ang aksyon sa 4 p.m. (Manila time), kung saan target ng 19-anyos na Pinay tennis star ang magandang momentum para sa French Open ngayong Mayo.
Bagong akyat si Eala sa career-high rank na No. 70, kaya derecho na siya sa mga bigating tournaments tulad ng Roland Garros.
Pasok siya sa bracket kung saan posibleng makaharap sina Leylah Fernandez at world No. 1 Aryna Sabalenka. Pero bago ‘yan—kailangan muna niyang malusutan si Kostyuk.
