Muling magpapakitang-gilas si Alex Eala sa prestihiyosong Miami Open!
Napili ang 19-anyos na Filipina tennis sensation bilang isa sa pitong wildcard entries sa main draw ng Women’s Tennis Association (WTA) tournament na magsisimula sa Marso 18 sa Hard Rock Stadium, Miami, Florida.
Si Eala, na may mga titulo sa junior doubles ng Australian Open at French Open, pati na rin ang junior singles crown sa US Open, ay kasalukuyang nasa WTA No. 140. Umabot din siya sa career-high ranking na No. 134 nitong taon.
Bago sumabak sa Miami Open, target ni Eala ang malalim na kampanya sa W75 Trnava sa Slovakia. Pasok na siya sa second round matapos talunin ang WTA No. 137 na si Leyre Romero Gormaz ng Spain, 6-4, 6-2.
Bilang third seed, may tsansa siyang makaharap sa quarterfinals si WTA No. 266 Valentina Ryser ng Switzerland, na nanaig kontra USA’s Anna Rogers sa iskor na 4-6, 6-3, 6-2.
Abangan kung paano magpapasabog ng husay si Eala sa international stage!