PULSE PH

Alex Eala, pasok sa main draw ng Strasbourg Open!

Magandang balita para sa pambato ng Pilipinas sa tennis na si Alex Eala matapos siyang direktang makapasok sa main draw ng prestihiyosong WTA500 Strasbourg Open sa France. Nangyari ito matapos magdesisyon ang kanyang dating doubles partner na si Hailey Baptiste mula sa United States na umatras sa kompetisyon, dahilan upang ang 20-anyos na Pinay ang pumalit sa kanyang pwesto. Dahil dito, hindi na kakailanganin pa ni Eala na dumaan sa mga qualifying match at agad na siyang sasabak sa prestihiyosong torneo.

Ang Strasbourg Open ay nagsisilbing huling yugto ng paghahanda ni Eala para sa nalalapit na French Open na gaganapin sa Paris. Nabigyan ang batang manlalaro ng sapat na oras upang magpahinga at planuhin ang kanyang mga diskarte matapos ang kanyang matagumpay na kampanya sa Italian Open. Doon ay gumawa siya ng ingay matapos umabot sa ikatlong round ng isang clay tournament sa kauna-unahang pagkakataon, bago tuluyang magpatalo sa World No. 2 na si Elena Rybakina ng Kazakhstan.

Exit mobile version