Tuloy-tuloy ang momentum ni Alex Eala matapos niyang tambakan si Yasmine Mansouri ng France, 6-0, 6-2, sa unang round ng Sao Paulo Open sa Brazil. Tumagal lang ng isang oras at 10 minuto ang laban.
Galing pa sa kanyang unang WTA title ilang araw lang ang nakalipas, ipinakita ni Eala ang matinding porma—umiskor ng 34 service points at 31 return points kontra sa 15 lang ng kalaban.
Ayon kay Eala, natuwa siya sa mainit na suporta ng crowd sa kanyang debut sa Brazil at South America.
Susunod niyang haharapin si World No. 188 Julia Riera ng Argentina sa round of 16.
