Site icon PULSE PH

Alex Eala Lumaban, Di Umurong sa England!

Pasok na sa main draw ng Lexus Nottingham Open si Alex Eala matapos talunin ang Romanian na si Anca Todoni, 6-3, 6(4)-7, 6-3, sa matinding laban sa qualifiers sa England kahapon.

Nabitawan man ni Eala ang 4-2 lead sa second set at muntik nang ma-sweep ang panalo, bumawi agad siya sa third set sa pamamagitan ng matinding 4-1 finishing kick para tuldukan ang laban.

Tumagal ng mahigit dalawang oras ang match na ito, kung saan kinailangan ni Eala na magpakitang-gilas sa kabila ng 12 aces ni Todoni.

Ito na ang pangalawang sunod na tatlong-set na panalo ng 20-anyos na Pinay sa qualifiers, kasunod ng 6-3, 3-6, 6-3 na panalo niya laban sa French na si Varvara Gracheva.

Ngayon, haharap si Eala sa mas veteranong kalaban — ang Polish player na si Magda Linette, WTA No. 31 at ikaanim na seed sa torneo. Si Linette ay automatic pasok na sa main draw, samantalang si Eala ay dumaan sa butas ng karayom.

Ito’y isang sweet comeback para kay Eala matapos ang maagang exit sa Ilkley Open noong nakaraang linggo. Mainam din itong paghahanda niya para sa kanyang Wimbledon debut sa June 30 – July 11.

Sa sunod-sunod na milestones, kabilang na ang pagpasok sa WTA Top 100, tiyak na tuloy-tuloy ang pag-angat ng ating tennis pride sa world stage!

Exit mobile version