Patuloy ang matikas na ratsada ni Alex Eala sa Auckland matapos walisin si Petra Marcinko ng Croatia, 6-0, 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng 2026 ASB Classic.
Halos hindi pinawisan ang 20-anyos na Pinay tennis star sa Round of 16, pinayagan lamang ang kalaban ng dalawang games habang kontrolado niya ang laro mula baseline at paulit-ulit na pinahirapan ang serbisyo ni Marcinko. Matapos ang perpektong unang set, tuluyang kumawala si Eala sa ikalawa sa pamamagitan ng 4-0 run mula sa tabla na 2-2.
Sa susunod na round, haharapin ni Eala ang mananalo sa laban nina Magda Linette ng Poland at Elisabetta Cocciaretto ng Italy.
Bukod sa singles, nakatakda ring lumaban si Eala sa women’s doubles quarterfinals kasama ang American na si Iva Jovic, matapos nilang gulat na patumbahin sina Venus Williams at Elina Svitolina sa naunang round.
