PULSE PH

Alex Eala, Bumangon at Lumaban! Pasok na sa Eastbourne Main Draw!

Matapang na comeback win ang ipinasok ni Alex Eala matapos pataubin ang mas mataas na ranked na si Hailey Baptiste ng USA, 6-7, 7-6, 6-1, sa qualifying round finale ng 2025 Lexus Eastbourne Open sa England.

Bagamat natalo sa mahigpit na first set (6-7), hindi nagpatinag ang 20-anyos na Pinay at bumawi ng todo sa susunod na dalawang set para makapasok sa main draw—perfect warm-up na rin para sa Wimbledon ngayong June 30 to July 11 sa London.

Si Eala, WTA No. 77 at 8th seed sa qualifiers, ay mabilis na pinadapa ang Turkish player na si Zeynep Sonmez (6-1, 6-3) sa Round 1. Pero kinailangan niyang hukayin ang lahat ng lakas at focus para daigin si Baptiste, WTA No. 56, sa isang halos 3-oras na bakbakan.

Ito ang bahagi ng huling paghahanda ni Eala para sa kanyang inaabangang Wimbledon main draw debut. Galing siya sa tatlong torneo sa UK ngayong buwan, kung saan tanging quarterfinal finish sa Ilkley ang pinaka-best performance niya.

Proud graduate ng Rafael Nadal Academy, ready na si Alex Eala for the big leagues!

Exit mobile version