Opisyal nang nagsimula ang clay season ni Alex Eala sa Oeiras Ladies Open sa Portugal mula April 14–20. At hindi lang basta entry—top seed pa siya sa WTA 125 tournament!
Fresh mula sa impressive run niya sa Miami Open at ang bago niyang career-high ranking na World No. 73, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging first seed siya bilang pro. G na G si Alex para ipakita ang galing niya sa clay court!