Mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos nilang magkasama sa pelikulang “Hello, Love, Again.”
Sa isang panayam sa “24 Oras,” inamin ni Alden na naka-experience siya ng separation anxiety matapos ang halos isang buwang shooting sa Canada.
“Mas naging solid ang friendship namin, mas nakilala namin ang isa’t isa, lalo na sa matagal naming pagsasama,” ani Alden.
Ang “Hello, Love, Again” ay sequel ng 2019 hit film na “Hello, Love, Goodbye,” at unang beses na nag-collab ang Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures.