Iba ang Alden Richards na mapapanood ng mga Pilipino sa paparating na international film na “Big Tiger,” kung saan hindi lang siya bida kundi isa ring co-producer.
Ibinahagi ng Sparkle, talent arm ng GMA Network, ang unang teaser ng pelikula na nagpapakita kay Alden bilang karakter na John Lynch—nakasuot ng suit at nasasangkot sa matitinding eksena ng bakbakan laban sa action star na si Luke Goss. Tampok din sa teaser si Max Collins, na kapansin-pansin sa kanyang pulang
Ang “Big Tiger” ang kauna-unahang international project ng Myriad Entertainment, ang production company ni Alden. Nakipagtulungan ito sa Lux Angeles Studios, Birns and Sawyer Studios, at Voltage Pictures para maisakatuparan ang pelikula.
Kasama rin sa international cast sina Byron Mann, isang kilalang aktor mula Hong Kong, at Katherine McNamara ng “Shadowhunters.”
Ang pelikula ay isinulat at idinirek ni Keoni Waxman, isang action filmmaker na madalas makatrabaho si Steven Seagal. Target ipalabas ang “Big Tiger” sa buong mundo sa 2026, at inaasahang magpapakita ng mas madilim at mas matinding bersyon ni Alden sa international stage.
