Site icon PULSE PH

Alden Richards, Itinigil na ang Panliligaw kay Kathryn – Ogie Diaz

Ayon kay Ogie Diaz, wala nang ligawang nagaganap sa pagitan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo—magkaibigan na lang daw sila ngayon.

Sa kanyang Showbiz Update sa YouTube, sinabi ni Ogie na tapos na ang panliligaw ni Alden kay Kathryn. “Wala nang ligawang nagpatuloy. Magkaibigan na lang sila,” aniya.

Nang tanungin ng co-host na si Mama Loi kung may kinalaman ba rito ang pagbisita ni Daniel Padilla sa dressing room ni Kathryn noong ABS-CBN Christmas Special, agad itong itinanggi ni Ogie. “Walang kinalaman ‘yung pagdalaw ni DJ,” sagot niya.

Dagdag pa niya, ayon sa isang malapit kay Kathryn, nag-usap lang sina Kathryn at Daniel pero walang pag-asang magkabalikan ang dalawa.

Matatandaang noong Abril ng nakaraang taon, unang ibinunyag ni Ogie na nanliligaw na noon si Alden kay Kathryn. “Makikita naman ‘yan sa body language nila,” sabi niya noon.

Exit mobile version