Walang patid ang bangis ni Carlos Alcaraz matapos niyang talunin si Jannik Sinner sa Italian Open finals nitong Linggo, 7-6 (7/5), 6-1.
Ito na ang ikatlong titulo ngayong season para sa 21-anyos na Spanish tennis star, na ngayon ay aakyat sa World No. 2 — kasunod lang ni Sinner — pagdating ng bagong rankings sa Lunes.
Sa kanyang ika-apat na final appearance ngayong taon, ipinakita ni Alcaraz na handang-handa na siyang depensahan ang korona sa Roland Garros, na magsisimula na sa susunod na linggo.
Bukod sa panalo, binasag din ni Alcaraz ang 26-match winning streak ni Sinner, na siyang pinakamahabang run ng Italian star. Isang matinding paalala sa buong men’s tour: handa na ulit si Alcaraz para sa clay court war!
