Hindi man panalo, palaban pa rin!
Bumulusok ang Alas Pilipinas kontra sa mas matangkad at mas mataas ang ranggo na Pakistan, 25-18, 25-12, 18-25, 25-22, sa pagbubukas ng AVC Men’s Volleyball Nations Cup sa Bahrain.
Pero hindi nagpatalo ng basta-basta ang mga Pinoy! Sa kabila ng injury ng team captain na si Marck Espejo sa unang set, nagpakita ng tapang at galing ang Alas—panalo pa nga sa third set at dikit ang laban sa ikaapat.
Kahit natalo, may tsansa pa ring umusad sa quarterfinals ang Pilipinas, lalo na kung matalo nila ang world No. 45 Chinese Taipei sa laban kagabi.
Ang laban na ito ay bahagi ng paghahanda ng national team para sa FIVB World Championship sa Setyembre at SEA Games sa Disyembre. Laban Pilipinas, puso!
