Balik-laban ang Alas Pilipinas para sa inaasam na medalya sa Southeast Asian Games, at magsisimula ito ngayong araw sa paghaharap nila kontra Thailand sa unang leg ng 5th SEA V-League sa Terminal 21 Korat, Nakhon Ratchasima.
Pinangungunahan ng mga star players gaya nina Jia de Guzman, Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon, Eya Laure, at Thea Gagate, sasalang ang Alas sa powerhouse na Thai team alas-6 ng gabi (PH time). Target nila ang upset win—o kahit solid na laban laban sa reigning SEA Games champs.
Kasama rin sa lineup sina Fifi Sharma, Vanie Gandler, Mars Alba, Justine Jazareno, Dawn Catindig, Shaina Nitura, Leila Cruz, Cla Loresca, at Dell Palomata.
Susunod nilang makakalaban ang Vietnam bukas at Indonesia sa Linggo. Single round-robin ang format, at ang team na may best record ang kukunin ang ginto.
Matapos ang Thailand leg, lilipad ang Alas patungong Vietnam para sa second leg mula Aug. 8–10.
Hangad ng Pilipinas na tuloy-tuloy ang pag-angat—at sana’y makauwi ng unang SEA Games medal sa volleyball simula noong bronze noong 2005 sa Bacolod.