Patuloy ang mainit na simula ng Akari Chargers matapos talunin ang Chery Tiggo Crossovers, 25-11, 22-25, 29-27, 17-25, 15-7, sa PVL Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan nina Annie Mitchem at Eli Soyud ang opensa na may tig-17 puntos, habang nag-ambag si Ced Domingo ng 16 puntos at si Fifi Sharma ng solidong depensa para makuha ng Akari ang ikalawang sunod na panalo at manguna sa Group B (2-0 record).
Ang panalo ay kasunod ng kanilang makasaysayang limang-set na tagumpay laban sa powerhouse Creamline Cool Smashers, ang defending champions ng liga.
Ayon kay coach Tina Salak, makikita na ang malaking pag-mature ng koponan.
“Nakikita ko na ang growth at composure ng team. Unti-unti nang nagiging mature ang mga players,” ani Salak.
Sa deciding set kontra Chery Tiggo, nagpakitang-gilas si Domingo, na kumamada ng tatlong mahahalagang puntos para itulak ang Chargers sa 9-4 lead — at tuluyan nang sinelyuhan ang panalo.
Samantala, sa ikalawang laban, ZUS Coffee winalis ang Galeries Tower, 25-22, 25-16, 25-16, para manatiling nasa tuktok ng Group B sa 3-1 record.