Site icon PULSE PH

Air Drama sa Pacific! Japan Umalma sa “Dangerous Moves” ng China!

Naglabas ng matinding babala ang Japan matapos lumipad nang sobrang lapit ang Chinese fighter jets sa isang Japanese patrol plane sa Pacific nitong weekend.

Ayon sa Japan, dalawang beses lumapit ang J-15 jets mula aircraft carrier ng China, minsan ng 40 minutes at minsan pa ng 80 minutes—umabot pa sa 45 metro ang distansya habang magkapantay ang altitude!

Noong Linggo, tumawid pa ang Chinese jets sa harapan ng Japanese plane sa distansyang kayang abutin nito sa ilang segundo lang.

Japan: “Delikado ito, posibleng magdulot ng banggaan!” Kaya’t agad silang nagpadala ng reklamo sa China sa pamamagitan ng diplomatic channels.

Huling nangyari ang ganitong insidente mahigit 10 taon na ang nakaraan. Ngayon, lumalawak na raw ang galaw ng military power ng China, ayon sa mga eksperto.

Exit mobile version