Matapos ang isang linggo sa ospital, nakalabas na si Zuleika Lopez, chief of staff ni VP Sara Duterte, mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) matapos ang utos ng House na palayain siya mula sa detention.
Na-confine si Lopez noong Nobyembre 23 dahil sa pagkakasakit matapos ang kontrobersyal na tangkang paglilipat sa kanya mula House detention papuntang Correctional Institution for Women. Ito’y kaugnay ng isyu sa confidential funds ng OVP.
Dahil sa hirap na dinanas, nagpahayag si Lopez ng balak magbitiw bilang chief of staff ni Duterte pagkatapos ng House hearings. Sa ngayon, magfa-file muna siya ng indefinite leave.
Samantala, special disbursement officer Gina Acosta, na naospital din, ay ililipat sa ibang ospital.
Sinabi ni VP Duterte na siya mismo ang haharap sa susunod na House inquiries para protektahan ang OVP officials at patuloy niyang pinamamahalaan ang araw-araw na operasyon ng opisina.