PULSE PH

AI Darth Vader, Pinasok ang Fortnite! Actors’ Union, Nagsampa ng Kaso!

Nag-file ng kaso ang actors’ union laban sa gumawa ng Fortnite dahil sa paggamit ng AI para gumawa ng interactive Darth Vader character. Ayon sa Fortnite, nakakuha sila ng pahintulot mula sa pamilya ni James Earl Jones para gamitin ang boses ng yumaong aktor sa laro.

Ginamit ng Epic Games ang AI para ipasok si Darth Vader sa Battle Royale mode ng laro, kung saan ang mga players ay nakikipag-batuhan ng mga salita sa Sith Lord habang nagpapaligsahan online. Agad naman itong naging hit sa mga users, lalo na ang mga witty banter ni Vader tulad ng pagkomento sa kanilang mga maling moves o sa kanilang mga “cheating” na galawan.

Ngunit hindi natuwa ang SAG-AFTRA, ang actors’ union, at tinuligsa ang paggamit ng AI sa mga video games dahil nakakaapekto ito sa trabaho ng mga aktor. Anila, mahalaga ang karapatan ng kanilang mga miyembro at pamilya na kontrolin ang gamit ng kanilang digital na imahe.

Exit mobile version