PULSE PH

Ai-Ai, Binawi ang Green Card Petition ng Asawang si Gerald!

Tapos na ang laban—hindi na magiging U.S. citizen si Gerald Sibayan sa tulong ni Ai-Ai delas Alas!

Matapos mapatunayang may third party na sangkot sa kanilang pagsasama, opisyal nang binawi ni Ai-Ai ang kanyang petition para sa Green Card ng estranged husband niya. Inaprubahan ng U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang kanyang request noong Enero, kaya wala nang balikan.

“Wala nang appeal dito,” ayon sa USCIS—ibig sabihin, hindi na ito kayang labanan ni Gerald.

Ayon sa abogado ni Ai-Ai na si Pia Dyquiangco, may karapatan ang aktres na itigil ang petition, lalo na’t nagpa-file na rin ito ng diborsyo.

“Desisyon ni Ai-Ai kung itutuloy pa o hindi. Ngayon, dahil sa divorce, kailangan niyang maging totoo sa USCIS tungkol sa estado ng kanilang pagsasama,” paliwanag niya.

Sa madaling salita, si Gerald ay on his own na pagdating sa kanyang immigration status.

Matatandaang naging permanent U.S. resident si Ai-Ai noong 2015, at noong 2022, inamin niyang gusto niyang tutukan ang pagkuha ng U.S. citizenship—at mukhang kasama sa plano niya ang clean break mula sa dating asawa!

Exit mobile version