Nagpasalamat ang ABS-CBN sa bagong House Bill 1125 na isinulong ni Rep. Joey Salceda para sa 25-taong franchise renewal ng media giant.
Sa pahayag ng ABS-CBN, sinabi nilang, “Bagamat wala kaming kaalaman sa pag-file ni Rep. Salceda, lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang suporta at tiwala sa aming misyon na maglingkod sa mga Pilipino.”
Pinasalamatan din ng kumpanya ang iba pang mambabatas tulad nina Reps. Gabriel Bordado Jr., Arlene Brosas, France Castro, Raoul Manuel, Johnny Pimentel, at Rufus Rodriguez na naunang nagsulong ng kahalintulad na panukala.
Ang panukala ni Salceda ay isinulong dahil sa pagkawala ng trabaho ng mahigit 11,000 empleyado nang ipasara ang network noong Mayo 5, 2020, kasagsagan ng pandemya. Plot twist? Abangan ang susunod na kabanata!
