Site icon PULSE PH

Abi Marquez, Nakipagkulitan sa Bagong Superman at Kay James Gunn!

Hindi lang lumpia ang pinasiklab ni Abi Marquez nitong linggo — pati ang bagong Superman crew ay napa-wow sa kanya!

Ibinahagi ng multi-awarded food content creator sa Instagram ang kanyang nakakakilig na encounter kina David Corenswet (ang bagong Superman), Rachel Brosnahan (Lois Lane), at James Gunn (direktor ng bagong “Superman” movie). Sa kanyang caption: “It’s a bird, it’s a plane, it’s… Lumpia Queen with the SUPER Crew!”

Tila nagkaroon pa sila ng bonding sa paggawa ng lumpia — siyempre, signature dish ni Abi ‘yan!

Nasa bansa ang mga bida ng bagong Superman para sa promo ng pelikula na ipapalabas na sa Hulyo 9. Si Corenswet ang papalit kay Henry Cavill bilang iconic DC hero.

Exit mobile version