Inanunsyo ng Netflix na makikipag-partner ito sa NASA para maghatid ng mga rocket launch livestreams, spacewalks, at epic na tanawin ng Earth mula sa kalawakan—lahat ay pwedeng mapanood soon sa streaming platform!
Ayon sa Netflix, “Kung fan ka ng kalawakan o trip mo lang makita ang Earth mula 250 milya taas, simulan mo na ang countdown!”
Kasama sa bagong NASA+ content ang:
- Live rocket launches
- Nakakakabang spacewalks ng astronauts
- Breathtaking views mula sa International Space Station (ISS)
Layunin ng collaboration na ito na gawing mas accessible sa publiko ang kwento ng space exploration. Ayon kay Rebecca Sirmons ng NASA+, libre pa rin ang NASA+ content sa kanilang website at mobile app, pero ngayon, may dagdag na exposure na ito sa Netflix.
Matatandaang sumubok na rin ang Netflix ng live streaming content noong 2024 tulad ng NFL games at Jake Paul vs. Mike Tyson boxing match, at ngayon ay space content naman ang bibida!