Site icon PULSE PH

94 Pinoy, Naipit sa Lebanon!

Smoke billows after an Israeli strike on a village near the southern Lebanese city of Tyre on September 29, 2024. (Photo by Kawnat HAJU / AFP)

Nilikas ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 94 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya mula sa mga delikadong lugar malapit sa Beirut, Lebanon, dahil sa lumalalang kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa DMW, 63 OFWs ang nailikas mula sa bayan ng Dahieh, timog ng Beirut, matapos bombahin ng Israel Defense Forces (IDF) ang base ng Hezbollah, kung saan napatay ang lider nito na si Hassan Nasrallah.

Ligtas ang mga OFWs at pansamantalang dinala sa isang hotel sa Beit Mery, isang resort town na 16 kilometro mula sa Beirut. Bukod sa kanila, may 15 OFWs na dapat sana’y naiuwi noong Setyembre 25 ngunit naantala dahil sa pagsuspinde ng mga flight. Nakatakda silang bumalik sa Pilipinas sa Oktubre 11 at 22.

Siniguro ng DMW na may contingency plan para sa repatriation ng mga Pilipinong nais umuwi.

Exit mobile version