Aabot sa 8,000 jeepney drivers at operators ang umatras mula sa PUV Modernization Program (PUVMP), ayon sa transport group na Manibela. Kabilang dito ang 6,000 mula sa Manibela at 2,000 mula sa Piston.
Ayon kay Manibela chairman Mar Valbuena, maraming drivers ang nagreklamo dahil mas kaunti na ang araw ng operasyon nila ngayon, dahil mas pinapaboran ng mga kooperatiba ang modernong PUV.
Pinabulaanan ni Piston president Mody Floranda ang pahayag ng LTFRB na 83% ng mga jeepney ay sumali sa PUVMP. Ayon sa kanya, maraming ruta sa Metro Manila at buong bansa ang hindi sumusunod sa programa.
Samantala, sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Pasko, mag-aalok ang LTFRB ng special permits para sa mga PUV mula Disyembre 15.