Site icon PULSE PH

8-Buwang EDSA Rehab, Sisiklab sa Bisperas ng Pasko!

Matapos ang ilang buwang pagkaantala, sisimulan na sa Bisperas ng Pasko, Disyembre 24, ang rehabilitasyon ng EDSA na tatagal ng walong buwan. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), mas pinaiksi rin ang proyekto at ibinaba ang badyet mula P17 bilyon tungo sa P6 bilyon.

Ipatutupad ang pagkukumpuni sa dalawang yugto na tig-apat na buwan. Saklaw ng unang phase ang bahagi mula Roxas Boulevard hanggang Orense Street sa Makati, habang ang ikalawang phase ay sasaklaw sa natitirang bahagi ng EDSA hanggang Caloocan. Magsisimula ang mga trabaho alas-11 ng gabi sa Disyembre 24 at inaasahang matatapos pagsapit ng Abril o Mayo 2026.

Gagawin ang road works sa gabi at tuwing weekend upang mabawasan ang abala sa trapiko, kabilang ang reblocking at asphalt overlay ng piling lane at ng EDSA bus lane. Gagamitin ang matibay na stone mastic asphalt na karaniwang ginagamit sa mga expressway at paliparan.

Nilinaw ng DPWH na hindi na itutuloy ang planong total reblocking, free Skyway use, at odd-even scheme. Mananatili naman ang number coding sa EDSA, habang tiniyak ng mga ahensya ang dagdag na Carousel buses at deployment ng bagong MRT-3 trains upang maibsan ang epekto ng rehabilitasyon sa mga motorista at commuter.

Exit mobile version