Natapos na ng mga otoridad sa Brazil noong Sabado ang pagkuha sa mga bangkay ng 62 katao na namatay nang bumagsak ang kanilang eroplano, habang sinimulan na ng mga eksperto ang pagsusuri sa black boxes ng eroplano para malaman ang sanhi ng trahedya.
Makikita sa mga video ang ATR 72-500 plane na pababa nang mabilis bago bumagsak sa isang residential area sa bayan ng Vinhedo, mga 80 kilometro hilagang-kanluran ng financial capital ng Brazil, Sao Paulo.
Ang eroplano ng Voepass airline ay bumagsak halos patayo, sumalpok nang sobrang lakas at sumabog, sinabi ni Sao Paulo fire lieutenant Olivia Perroni Cazo.
“A total of 62 bodies (34 lalaki at 28 babae) ang nakuha at dinala sa morgue sa Sao Paulo para sa identification at ibigay sa kanilang pamilya,” sabi ng regional government noong Sabado ng gabi.
Dalawa na ang nakilala sa pamamagitan ng fingerprints, at sinabi ni Vinhedo Mayor Dario Pacheco na ito ay ang piloto at co-pilot.
Ang twin-engine turboprop, na gawa ng aviation firm ATR, ay lumilipad mula Cascavel sa southern Parana state papuntang Guarulhos international airport sa Sao Paulo.
Sinimulan na ng mga eksperto mula sa Brazil’s Aeronautical Accidents Investigation and Prevention Center (CENIPA) ang pagsusuri sa dalawang black boxes na nakuha mula sa wreckage, na naglalaman ng cabin conversations at in-flight data, ayon kay Marcelo Moreno, chief ng center.
Plano nilang mag-publish ng preliminary report “sa loob ng tinatayang 30 araw,” ayon sa Brazilian Air Force.
Ayon sa Flight Radar 24 website, lumipad ang eroplano ng halos isang oras sa taas na 17,000 feet (5,180 meters), hanggang 1:21 pm (1621 GMT) nang ito ay magsimulang bumaba nang mabilis.
Nawala ang radar contact ng 1:22 pm, ayon sa air force. Sinabi nito na “hindi kailanman nagdeklara ng emergency o nasa masamang panahon” ang crew ng eroplano.