Ayon sa mga South Korean lawmakers, nasa 600 sundalo ng North Korea ang nasawi habang lumalaban sa Ukraine sa ilalim ng bandila ng Russia. Sa kabuuang 15,000 na tropa ng North Korea, may 4,700 na ang casualties—kabilang ang mga sugatang at patay.
Bagamat mataas ang bilang ng mga namatay, napansin na ng mga eksperto na mas gumaling na ang kakayahan sa labanan ng North Korean troops sa paglipas ng anim na buwan, lalo na nang gamitin nila ang makabagong armas tulad ng drones.
Bilang kapalit ng kanilang tulong sa Russia, nakatanggap ang North Korea ng teknikal na suporta mula sa Moscow, kabilang na ang spy satellites at mga anti-air missiles. Ayon sa mga ulat, ang mga bangkay ng mga namatay na sundalo ay inilibing na sa Kursk bago ibalik sa kanilang bansa.