Site icon PULSE PH

600 Pinoy Runnersm, Sasabak sa 2026 EVA Air Run sa Taiwan!

Mas pinalawak ang partisipasyon ng Pilipinas sa ika-8 taon ng EVA Air Run matapos buksan ng EVA Air ang tatlong Philippine gateways—Cebu, Manila at Clark—para sa 2026 race na gaganapin sa Taiwan sa Oktubre.

Dinoble rin ang slots para sa mga Pilipino sa 600 runners, patunay sa lumalaking interes ng bansa sa event na kilala bilang isang “race-cation,” kung saan pinagsasama ang takbuhan at travel experience. Ayon sa mga organizer, dinarayo ito hindi lang ng competitive athletes kundi pati ng mga pamilyang nais maranasan ang masayang marathon abroad.

Ibinahagi ni EVA Air Run Cebu Ambassador Mary Joy Tabal-Jimenez na ang karera ay “competitive pero enjoyable,” base sa kanyang naging karanasan sa Taiwan noong nakaraang taon.

Sa launch ng event, ipinakilala rin ang 10-anyos na si Jibreel Rivera, ang pinakabatang Filipino runner na lalahok ngayong Oktubre sa tulong ng EVA Air at Travel Care.

Kabilang sa delegasyon ng Pilipinas ang ilang kilalang atleta gaya nina PRISAA gold medalist Mark Mahinay, SEA Games duathlon silver medalist Franklin Ferdie Yee, at SEA Games running silver medalist Artjoy Torregosa—na inaasahang magbibigay-dangal sa bansa sa international run.

Exit mobile version