Site icon PULSE PH

60-Day Price Freeze Ipinatupad sa 4 Bayan ng Palawan!

Ipinataw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 60-day price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Puerto Princesa, Narra, Brooke’s Point, at Aborlan sa Palawan matapos ideklara ang state of calamity sa mga naturang lugar.

Ayon sa DTI, alinsunod ito sa Republic Act 7581 o Price Act, kung saan awtomatikong nagyeyelo ang presyo ng pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Sakop ng price freeze ang mga produkto tulad ng de-latang isda, gatas (evaporated, condensed, at powdered), kape, sabon panlaba, kandila, tinapay, iodized salt, instant noodles, at bottled water.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, layunin nitong maprotektahan ang mamimili laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

“Nasa ground ang DTI para tiyakin na hindi lumalampas sa tamang presyo ang mga pangunahing bilihin. Babala sa mga gustong manamantala—handa kaming umaksyon nang mabilis at matindi,” ani Roque.

Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong mula isa hanggang 10 taon o pagmultahin ng P5,000 hanggang P1 milyon.

Patuloy na magmo-monitor ang DTI-Palawan upang matiyak na nasusunod ang price freeze at sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin.

Exit mobile version