Site icon PULSE PH

56 Puntos ni Jokic, Binasura ng Wizards!

Kahit bumomba ng career-high 56 puntos si Nikola Jokic, hindi sapat para iligtas ang Denver Nuggets laban sa Washington Wizards, 122-113. Tinapos ng Wizards ang kanilang 16-game losing streak, salamat sa 39 puntos at 9 three-pointers ni Jordan Poole.

Maagang rumatsada ang Wizards at tumapos ng 69-57 sa halftime laban sa Nuggets na kulang din sa mga key players. Kahit sinubukang buhatin ni Jokic sa third quarter, hindi kinaya ng Denver na makahabol.

“Hearing MVP chants habang nandoon si Jokic? Ang saya!” sabi ni Poole matapos mag-init sa laro.

Samantala, sa ibang balita, binura ni Evan Mobley ang Hornets sa pamamagitan ng 41 puntos at 10 rebounds para sa Cleveland Cavaliers, na ngayon ay may league-best record na 21-3.

Exit mobile version