Inanunsyo ng Taiwan nitong Martes na 47 Chinese military aircraft ang nakita malapit sa isla sa loob lang ng 24 oras — pinakamataas mula nang magsimula ang malawakang war games ng China dalawang buwan na ang nakalipas.
Nagiging matindi ang espekulasyon na maaaring magsagawa ng military drills ang China kasunod ng pagbisita ni Taiwanese President Lai Ching-te sa US noong nakaraang linggo.
Ayon sa Taiwan defense ministry, naka-alerto ang kanilang pwersa matapos makita ang mga Chinese warships at coast guard vessels malapit sa isla, habang nag-reserve ng airspace ang China’s PLA sa silangan nito.
Patuloy na iginigiit ng Taiwan ang kanilang soberanya, pero nananatiling pursigido ang Beijing na angkinin ang isla — kahit pa sa puwersahang paraan.