Apat na sundalong Taiwanese, kabilang ang tatlong nakatalaga sa seguridad ng opisina ng Pangulo, ang hinatulan ng pagkakakulong matapos mag-leak ng military secrets sa China, ayon sa desisyon ng Taipei district court.
Pagtatraydor sa Bayan
Tatlong sundalo mula sa Presidential Office security at isang sundalo mula sa defense ministry ang napatunayang nag-leak ng classified military information sa mga Chinese intelligence agents.
Sentensiya: 5 taon at 10 buwan hanggang 7 taong pagkakakulong
Bayad sa pagtataksil: NT$260,000 – NT$660,000 (₱450K – ₱1.1M)
Ayon sa hukuman, ang kanilang mga aksyon ay isang malaking banta sa seguridad ng bansa. Gumamit umano sila ng mobile phones para kumuha ng litrato ng classified documents at ipasa ito sa China mula 2022 hanggang 2024.
Mas Matinding Pagsisiyasat sa Espionage
Lalong dumami ang kaso ng espiya para sa China!
- 2022: 10 katao
- 2023: 48 katao
- 2024: 64 na ang nasampahan ng kaso
Dahil dito, pinaplanong ibalik ang military judges para sa mga kaso ng espiya, ayon kay Taiwan President Lai Ching-te.
Sa kabila ng dekadang espiyaan sa pagitan ng Taiwan at China, mas malaking banta ito para sa Taiwan dahil sa patuloy na panggigipit ng Beijing—na handang gumamit ng puwersa para angkinin ang isla.